
Napatagal ang pagtitimpla ko ng kape, kung kaya naman ngayon ko lang naisipang galawin ang tekaldo ng aking keyboard.
Hehehe mga dalawang gabi ko ng kinakamot ang utak ko dahil sa kati na dulot nito, kating nangungulit na kati na nagsasabing kailangan kong isulat ang mga bagay na tungkol sa mga Pinoy Indie Films.
Tanong sa akin ng aking kasama, "Teka e bakit ba ako magsusulat tungkol dun e hindi pa naman ako bihasa sa tinatawag na indie films?"
Ang sagot, "e bakit ba e hindi naman ikaw ang kinakati ang utak a."
Ano nga ba ang indie films? Bakit sa aming bundok eh parang hindi pamilyar ang mga tao dito? Nagdaan ba ang mga pelikulang ito sa mga sinehan sa SM Fairview? Takot ka bang manood nito?
Simulan ang mga katugunan sa mga tanong.
Kapag sinabing indie, eto yung pinaigsing indipendent, at hindi Indio na "e" ang letra sa dulo.
"E ano naman yung indie films?"
Sa pagkakaunawa ng isang pangkaraniwang indio na tulad ko, kapag sinabi mo na mang Indie Films, maaring eto ang kahulugan
- isang maikling pelikula (short film)
- low budget films ng isang low budget producer
- gumagamit ng digital camera upang kunan ang mga eksena
- minsan malabo ang shots o kaya malabo ang audio
- pelikulang hindi mo mapapanood sa mga sinehan
- di kilala ang mga artistang gumaganap
- ang mga tema medyo sensitibo sa panlasa
- kung ang type mong pelikula e medyo patweetums effect e hindi para sa iyo ang indie flms. kung ang hilig mong panoorin e mga taong tumutulay sa kawayan, o kaya e nakakalipad, hindi rin para sa iyo to. hindi mo din mapapanood sa indie si Rambo, Robocop, Gagamboy, Gagambino, at kung ano pang mga kagagahan.
"E ano nga ngayon ang indie film?"
Sa paglipas ng panahon, sa maniwala ka at sa hindi napakahaba ng panahong lumipas, umunlad ang indie films, kaya maari ganito na ang kahulugan nito,
- isa na itong mahabang pelikula (full length film)
- medyo low budget pa din pero mas may pera na ang mga producer nito
- medyo hi-tech na din ng konti ang gamit sa paggawa nito
- ilang bahagi na lang ng pelikula nag medyo malabo
- mapapanood mo na din ito sa ilang piling sinehan sa metro manila, tulad ng sa Robinson’s Galleria (ang layo naman)
- madami ng mga kilalang artista na gumaganap dito
- ang mga tema, ay grabe talagang sensitibo
- at isa sa masasabi ko, hehe, ang Indie Films ang mga Pelikulang Totoo.
Sa mas mahaba at mas makabuluhang mga paliwanag maaring mong bisitahin ang mga artikulong sumusunod:
Uy nagbabasa ka pa din? hehe interesado. teka ano na ba ang mga napanood ko nang pinoy indie films, subukan mo ang mga ito, at pakihanap mo na din ang mga sites, hehe ngawit na ang keyboard ko. Saka ko na lalagyan ng link.
- Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros
- Sarong Banggi
- Kubrador
- Baryoke
- Ataul For Rent
- Mga Pusang Gala
- Rome & Juliet
- Bayaning 3rd World
- Ploning (bagama’t hindi itinuturing na isang Indie Film ng artistang gumanap dito)
O sa muling pagkakape.